Categorized | Regional Updates

Southern Tagalog: SONA ni Aquino, sinalubong ng protesta ng mamamayan

Posted on 02 August 2011 by arnold

SAN PEDRO LAGUNA– Sa kabila ng bagyo at pandarahas ng militar at kapulisan daan-daang mamamayan sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan Timog Katagalugan (BAYAN-TK) sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon ang naglulunsad ng malawakang protesta ngayong araw kasabay sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

“Sa isang taong pamumuno ni Aquino, hindi kailanman naramdaman ng mamamayan ang substansyal na panlipunang pagbabago; ibayong kahirapan, kagutuman at paglabag sa karapatan ang kinaharap ng mamamayan. Puro mapalamuting salita at mga paimbabaw-panandalian lamang na lunas at programa ang ginawa ni Aquino, at bilang resulta nito hindi nabibigyan ng solusyon ang kronikong krisis pampulitika at pang-ekonomiya.” Ito ang pahayag ni XL Fuentes, pangkalahatang kalihim ng BAYAN-TK sa isang press briefing nitong umaga.

“Hindi nakapagtataka na sa isang taon ni Aquino patuloy ang pagbaba ng kanyang popularidad, nakikita niyo rin ngayon ang mamamayan dito at ang kanilang diskuntento kay Aquino, sa katunayan sa buong rehiyon naglunsad ng isang linggong protesta: sa Lucena, sa Bacoor, sa Cainta at sa Tanuan ay mayroon ding pagkilos laban sa kawalan ng kabuluhan ng rehimen ni Aquino.” Dagdag pa ni Fuentes.

Binubuo ng iba’t-ibang sektor ang pagkilos ngaying araw: manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, taong-simbahan, maralitang lunsod, kawani ng pamahalaan, propesyunal at maliliit na negosyante.
Batay sa karanasan sa nagdaang SONA ni Aquino, puro kasinungalingan at walang lamang retorika ang kanyang bukambibig, kung kaya sa bahagi ng pambansa-demokratikong kilusan sa ilalim ng bandila ng BAYAN, ilalahad ng mga sektor ang kanilang tunay na kalagayan mamaya. Gayundin, inaasahang magkakaroon ng live-streaming ng SONA ni Aquino at bibigyan ito ng pagbasa at tugon ng mamamayan ng Timog Katagalugan.

“Magiging mapagbantay ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa bawat salitang bibitawan, sa bawat punto at sa bawat kasinungalingang mamumutawi sa bibig ni Aquino, buong-buo nating papasubalian ang bawat kasinungalingan at buong-buo nating ilalahad ang alternatiba para makamtan ang tunay na panlipunang pagbabago, at ito ay sa pamamagitan lamang ng pagpupunyagi sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng samabayanang Pilipino.” Pagwawakas ni Fuentes.

Comments are closed.

New Photos

18 17 16 15 14 13 12 11

For more photos click here
-------------------------------------

Gabay sa pagtalakay sa presyo ng langis

-------------------------------------

Paninindigan

Paninindigan October 2010

LIVE UPDATES


It is quite easy for the Aquino government to arouse the people’s anger at China bullyi [...]
If peace could be won through press releases and other public announcements, the Bangsamo [...]
For the fourth straight week, oil companies rolled back the price of petroleum products. Flying V le [...]
On May 4, activists from the multisectoral group Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) trooped to Roxas [...]