Archive | Resources

No to Balikatan! Junk VFA!

Posted on 04 April 2013 by admin

Comments (0)

Gabay sa pagtalakay – Presyo ng langis

Posted on 08 March 2012 by admin

Comments (0)

Gabay sa pagtalakay sa presyo ng langis

Posted on 08 March 2012 by admin

Marso 2012

Magkano na ang presyo ng langis at bakit ito tumataas?

Sa ngayon, lampas P59 kada litro na ang presyo ng gasolina habang lampas P48 naman ang diesel. Lampas P900 na ang bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG). Wala pang dalawang buwan ngayong 2012, walong beses nang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Umaabot na sa lampas P5 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina habang lampas P3 naman ang diesel simula noong Enero. Samantala, lumobo na ang presyo ng LPG nang halos P200 kada tangke. (Ang mga presyo at adjustment ay batay sa datos nitong Marso 4.)

Gaya ng dati, sinisisi ng gobyerno at ng mga kumpanya ng langis ang galaw ng presyo sa daigdig. Tumataas, halimbawa, ang presyo ng Dubai crude na lumalampas na sa $120 ngayong Marso. Ito na ang pinakamataas na presyo nito matapos pumalo sa lampas $131 kada bariles noong Hulyo 2008. Itinuturong dahilan ang tensyon sa Iran na siyang nagtutulak pataas ng pandaigdigang presyo.

May makatwiran bang basehan ang pagtaas ng presyo?

Walang basehan ang pagtaas ng presyo. Una, at pinakamahalagang punto, artipisyal na mataas ang presyo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa dominasyon ng mga dambuhalang monopolyo sa langis. Ang mga Amerikanong kumpanyang gaya ng ExxonMobil at Chevron at mga Europeong korporasyong British Petroleum o BP (UK), Royal Dutch Shell (UK/Netherlands), at Total (France) ay kumukontrol sa buong proseso ng produksyon at distribusyon ng langis kaya’t artbitraryo nilang naitatakda ang presyo
nang lampas-lampas sa aktwal na gastos nila sa produksyon. Sa buong kasaysayan ng pandaigdigang industriya ng langis, napanatili ng mga dambuhalang monopolyong ito ang kontrol sa merkado ng petrolyo. Sila ang kartel sa langis na namamayagpag sa daigdig.

Pangalawa, walang malaking pagbabago sa gastos sa produksyon ng mga kumpanya ng langis sa daigdig na magbibigay katwiran sa pagtaas ng presyo ng krudo. Pangatlo, hindi rin pwedeng gawing palusot ang suplay at demand dahil di naman ito nagbago nang malaki at kung magkaroon man ng pagkaantala sa suplay mula sa Iran, mapupunuan naman ito ng Saudi Arabia. Ang nagaganap ay pulos ispekulasyon ng kakulangan sa suplay na humihila pataas sa presyo. Kahit ang mismong mga opisyal ng Department of Energy (DOE) ay aminadong ispekulatibo ang galaw ng presyo.

Magkano ang tayang nadaragdag sa presyo bunga ng pag-iral ng pandaigdigang monopolyo at ispekulasyon?

Hindi pa man dumarating sa bansa natin, “overpriced” na ang mga produktong petrolyo dahil sa monopoly pricing at ispekulasyon. Umaabot ito sa $67.63 hanggang $81.46 kada bariles o 62%hanggang 74% ng kasalukuyang presyo ng krudo, batay sa taya ng Bayan. Ang presyo ng Dubai crude nitong Enero 2012 ay nasa $109.54 kada bariles. Pero hindi ito ang aktwal na gastos sa produksyon upang likhain ang isang bariles ng krudo. Ayon sa US Energy Information Administration (EIA), ang finding cost o ang gastos sa eksplorasyon at pagpapaunlad ng reserbang langis sa US ay nasa $18.31 kada bariles. Mas mura ito kung sa Middle East kung saan nagmumula ang kalakhan ng inaangkat na krudo ng Pilipinas, na nasa $6.99 lamang. Ang lifting cost o ang gastos sa operasyon at pagmamantina ng mga balon ng krudo at mga kagamitan at pasilidad sa US ay nasa $8.26 kada bariles. Sa Middle East naman, ito ay nasa $5.75 lamang. Kasama rin sa gastos sa produksyon ang buwis na sinisingil ng isang gobyerno sa mga kumpanya na naghuhukay ng langis sa kanilang bansa o royalties. Sa mga bansang kasapi ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), tinatayang katumbas ito ng 14% ng spot price – na kung $109.54 ay nasa $15.34 kada bariles. Kaya kung susumahin ang finding cost ($6.99 – $18.31 kada bariles), ang lifting cost ($5.75 – $8.26), at ang royalties ($15.34), ang tinatayang kabuuang gastos kada bariles para sa Dubai crude ay nasa $28.08 hanggang $41.91 lamang. Lumalabas na ang patong at kita sa Dubai crude ay mula $67.63 hanggang $81.46 kada bariles. Kinakatawan nito ang epekto sa presyo ng ispekulasyon at monopolyo sa industriya ng langis sa daigdig.

Hindi ito malayo sa ibang pagtaya. Kung pagbabatayan, halimbawa, ang pahayag ng Saudi oil minister sa embahador ng US noong Hulyo 2008 na inilabas ng Wikileaks, nasa $40 kada bariles ang napapatong sa presyo ng krudo dahil lamang sa ispekulasyon.

Kaya naman hindi nakapagtatakang ang mga kumpanya ng langis ay kabilang sa pinakamalalaking korporasyon sa daigdig. Sa pinakahuling datos na tinipon ng magasing Fortune, ang limang pinakamalalaking korporasyon sa langis sa daigdig ay may pinagsamang deklaradong tubo na $79.89 bilyon noong 2010. Hindi pa kwentado rito ang kanilang pinipiga sa pamamagitan ng monopolyado’t ispekulatibong presyuhan. Pinakamalaki ang kinamal ng ExxonMobil na $30.46 bilyon na siya ring pinakamalaking tubo para sa LAHAT ng korporasyon sa daigdig. Sinundan ito ng Shell na nagtala naman ng $20.13 bilyon; Chevron, $19.02 bilyon; at Total, $14 bilyon. Nag-ulat ng “pagkalugi” ang BP na $3.72 bilyon pero kasinungalingan ito dahil hindi pa nga sinasalamin ng deklaradong tubo ang kinakamal ng mga dambuhalang kumpanya mula sa monopoly pricing at ispekulasyon.

Ramdam ito maging sa Pilipinas kung saan namamayagpag ang mga lokal na yunit ng pandaigdigang monopolyo at kanilang mga katuwang. Halimbawa, ang opisyal na idineklarang konsolidadong tubo ng apat na pinakamalaking kumpanya ng langis sa Pilipinas ay may kabuuang P15.75 bilyon noong 2010, ayon sa tala ng publikasyong BusinessWorld. Sa nasabing halaga, ang tinubo ng Petron ay P7.92 bilyon; Shell, P16.5 bilyon; Chevron, P3.9 bilyon; at Total, P1.03 bilyon. Bilyun-bilyon man, maliit pa nga ang deklaradong tubong ito kung tutuusin dahil hindi pa kasama ang kanilang pinipiga sa pamamagitan ng lokal na overpricing.

Paano pinapalala ng Oil Deregulation Law (ODL) ang pang-aabuso at pagsasamantala ng pandaigdigang kartel sa langis?

1. Sa ilalim ng ODL, awtomatiko ang pagbabago sa presyo. Hindi kailangang dumaan sa pormal na pampublikong pagdinig ang mga kumpanya ng langis upang bigyang-katwiran ang kanilang pagtataas ng presyo. Dahil dito, buong-buong ipinapasa ng mga kumpanya ng langis sa mga konsyumer ang di makatwirang pagtataas ng presyo sa daigdig na ibinubunga ng monopolyo at ispekulasyon.

2. Sa awtomatikong pagbabago-bago ng presyo sa ilalim ng ODL, tumataas man ito o bumababa, napakalaki ng puwang ng mga kumpanya ng langis upang magpresyo nang labis o ang tinatawag na lokal na “overpricing”. Sa simpleng pakahulugan, labis na malaki kung magtaas habang lubhang maliit naman mag-rolbak kung ibabatay sa galaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Kahit pa naglabas ang DOE ng mga mungkahing pamamaraan kung paano magkwenta ng pagbabago sa presyo, balewala rin ito dahil di naman obligadong sundin ng mga kumpanya ng langis.

Madali itong nagagawa dahil patuloy na umiiral sa ilalim ng deregulasyon ang kartel ng malalaking lokal na kumpanya ng langis na nagtatakda ng galaw ng lokal na presyo. Ang lokal na kartel gaya ng Shell, Chevron, at Total ay mga sangay lamang ng pandaigdigang monopolyo habang ang Petron ay bahagi ng kanilang network sa pagrerepina at pagtitingi (retail).

Ano ang pakinabang ng pamahalaan sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis?

Kinunkunsinti ng pamahalaan ang hindi makatwirang presyo ng langis at ang hindi maawat nitong pagtataas sa ilalim ng deregulasyon dahil nakikinabang ang mismong gobyerno sa pamamagitan ng ipinapataw nitong 12% value added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo. Mas mataas ang presyo ng langis, mas mainam para sa pamahalaan dahil lumalaki ang kinukubra nitong buwis mula sa mamamayan. Halimbawa, bago magsimula ang taon, ang VAT sa diesel ay nasa P5.39 kada litro habang sa gasolina naman ay nasa P6.46. Pero dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo, nasa halos P6 kada litro na ang VAT sa diesel at lampas P7 naman sa gasolina. Ang VAT sa LPG ay halos nasa P108 kada tangke na ngayon kumpara sa P82 sa pagsisimula ng taon. Sa madaling salita, nakikinabang ang gobyerno kasabwat ang mga kumpanya ng langis sa ibayong pagpapahirap sa mamamayan. Ang masahol pa, ang kinukolektang buwis ay hindi naman ibinabalik sa taumbayan sa porma ng sapat at maasahang mga serbisyong panlipunan. Sa halip, nawawaldas lang ito sa nagpapatuloy pa ring korupsyon sa pamahalaan, sa napakalaking badyet para sa militar, at sa dambuhalang pambayad sa mga utang ng gobyerno.

Magkano ang tayang nadagdag sa presyo dahil sa lokal na “overpricing”?

May lumabas nang iba’t ibang taya sa kung magkano ang nadaragdag sa presyo sa mga gasolinahan bunga naman ng dagdag-bawas ng mga kumpanya ng langis batay sa galaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Tinatawag itong lokal na “overpricing” na dagdag pa sa nangyayaring monopoly pricing sa pandaigdigang pamilihan ng langis.

Sa taya ng Bayan, maaaring umaabot sa P8.61 kada litro para sa diesel at P16.83 naman kung sa unleaded gasoline ang naipong buwanang overpricing mula Enero 1999 hanggang Enero 2012 o ang buong panahon na ipinatutupad ang Oil Deregulation Law. Tandaang ang pagtayang ito ay nakabatay sa nakalathalang presyo ng Dubai crude na lubhang pinalobo na ng ispekulasyon at monopoly pricing. Kaya ipinapakita lang ng ganitong  pagtaya na lalo pang nakakapang-abuso ang kartel sa pamamagitan ng lokal na galaw ng presyo na walang regulasyonang gobyerno. Dagdag ito sa mas dambuhalang tubo na pinipiga ng pandaigdigang monopolyo at mga bangko sa pamamagitan ng monopoly pricing at ispekulasyon.

Isa lang ito sa iba’t ibang paraan ng pagkwenta sa lokal na overpricing. Sa taya ng IBON Foundation, mas mabilis nang 20-22% ang pagtaas ng presyo sa Pilipinas kumpara sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng Dubai crude. Sa hiwalay namang taya ng noo’y pinuno ng National Economic and Development Authority (Neda) at ngayo’y Senador na si Ralph Recto, umaabot sa halos P8 kada litro ang overpricing sa mga produktong petrolyo noong 2009. (Tingnan ang Aneks para sa pamamaraan ng pagkwenta)

Ito ay iba’t ibang mga estima lamang na nagpapakita kung paano inaabuso ng kartel and batas deregulasyon. Sa ngayon ay mahirap matunton ang eksaktong kwenta na ipinapatong sa presyo ng lokal na kartel sa langis, lalo’t hindi nila isinasapubliko ang kanilang pormula sa pagkwenta ng presyo. Isa ito sa mga problemang kaakibat ng deregulasyon dahil walang obligasyon ang mga kartel na ipaliwanag ang kanilang pagtataas o kung paano nila kinukwenta ito. Ang DOE naman ay lumalabas na taga-anunsyo lang ng umento.

Ano ang kagyat na solusyon sa mataas at di makatarungang presyo ng langis?

Ibasura ang Oil Deregulation Law at isabatas ang House Bill (HB) 4355. Walang pakundangang naipapasa ng mga kumpanya ng langis ang mataas at di makatwirang presyo sa mamamayan dahil sa patuloy na pamamayagpag ng dambuhalang dayuhang monopolyo sa langis na lalong naging makapangyarihan sa ilalim ng Oil Deregulation Law. Kung gayon, ang solusyon ay wasakin ang monopolyong ito.

Kailangang magsimula sa pagbasura sa Oil Deregulation Law at palitan ito ng kumprehensibo at epektibong patakaran ng regulasyon sa kanilang operasyon sa bansa na siyang nilalaman ng HB 4355. Sa ganitong paraan, hindi na arbitraryong akakapagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis at magkakaroon ng proteksyon ang mamamayan mula sa ispekulasyon at overpricing sa lokal at pandaigdigang pamilihan. Magpapataw ang HB 4355 ng pampublikong pagdinig bago ang anumang pagtataas ng presyo. Isisentro na rin sa pamahalaan ang pag-aangkat ng krudo at mga produktong petrolyo. Hindi lamang nito titiyakin na alam ng gobyerno ang presyo ng inangkat na langis kundi makapaghahanap din ng mas murang mapag-aangkatan ang pamahalaan. Kasama rin sa HB 4355 ang pagbawi sa pagmamay-ari sa Petron. Samantala, upang agad ding mapapababa ang napakataas na presyo, dapat ring tanggalin ang regresibo’t mapaniil na 12% VAT sa langis.

Ano ang pangmatagalang solusyon?

Ang ganap at pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng presyo ng langis ay ang lubusang pagsasabansa sa industriya ng langis at buong sektor ng enerhiya sa Pilipinas. Binibigyang solusyon lamang ng regulasyon ang pandaraya sa presyo ng mga dayuhang monopolyo pero hindi nito tinutugunan ang pagiging lubhang palaasa ng bansa sa inaangkat na langis gayundin ang problemang nililikha ng dominasyon ng mga TNC. Tanging ang isang komprehensibong programa sa pagsasabansa ang tuluyang wawasak sa kartel, magbibigay-daan upang lubusang maharap ng Pilipinas ang paghahanap sa
mga alternatibo sa langis at mapagyaman ang lokal na rekursong enerhiya na nasa epektibong kontrol ng mga Pilipino, at magamit ito sa pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon.

Susi ang tuloy-tuloy, sama-sama, at papalaking pagkilos ng mamamayan para gapiin ang dambuhalang dayuhang monopolyo sa langis at itatag ang isang bansang may seguridad sa enerhiya at tunay na maunlad. Minsan nang pinatunayan na sa pamamagitan ng lakas ng mamamayan, napilitan ang estado na ibasura ang naunang Oil Deregulation Law noong 1997. Samantala, sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at sa gitna ng tumitinding krisis ng imperyalismo, umiigting ang paglaban ng mamamayan laban sa pagtaas ng presyo ng langis at sa iba’t ibang epekto sa kanilang kabuhayan ng pagiging ganid sa tubo ng mga monopolyo kapitalista. Mahalagang bahagi ang ating pagkilos ng lumalaking daluyong ng mga protestang ito. #

Labanan ang pagsasamantala at pang-aabuso ng dayuhang monopolyo sa langis!

Ibasura ang Oil Deregulation Law!

Presyo ng langis, ibaba! VAT sa langis, tanggalin!

Kontrolin ang presyo at protektahan ang konsyumer at lokal na ekonomiya!

Isabatas ang House Bill 4355!

Buwagin ang kartel! Isabansa ang industriya ng langis!

Aneks
Pagtaya sa lokal na overpricing

Taya ng Bayan

Batay sa buwanang galaw ng Dubai crude at palitan ng piso’t dolyar (foreign exchange o forex), dapat ay nasa P29.14 kada litro lamang ang itinaas ng presyo (ideyal na pagtaas) ng mga produktong petrolyo mula 1999 kung susundin ang pamamaraan ng pagkwenta na ginagamit ng isa sa mga malaking kumpanya ng langis. Ayon dito, kung nasa $110 kada bariles ang Dubai crude, halimbawa, at nasa P44 ang forex, ang $1 na pagbabago sa presyo ng krudo at P1 na pagbabago sa forex ay may katumbas na P1 pagbabago sa pump price. Nag-iiba-iba ito depende sa presyo ng krudo at ng forex sa isang takdang
panahon at ikukumpara sa aktwal na galaw ng lokal na presyo sa parehong panahon. Mula Enero 1999 hanggang Enero 2012, umabot sa P37.76 kada litro ang aktwal na itinaas ng presyo ng diesel, mas mataas nang P8.61 kumpara sa P29.14 na “ideyal” na pagtaas sa parehong panahon. Samantala, ang aktwal namang itinaas ng presyo ng unleaded gasoline ay nasa P46.98 kada litro, mas malaki nang P16.83 sa “ideyal” na pagtaas. (NOTE: Ang “ideyal” na pagtaas ay di nangangahulugang ito ang makatwiran o patas na presyo, dahil nagmumula pa rin tayo sa pagsusuri na maging ang mga “benchmark” o presyo sa pandaigdigang pamilihan ay “overpriced” at manipulado ng monopolyo at
ispekulasyon. Ipinapakita lang nito na dagdag pa sa manipulasyon ng presyo sa pandaigdigang pamilihan, may nagaganap pang pang-aabuso sa presyo sa lokal na industriya. Ang pag-aabuso sa lokal na pag-presyo ay bahagi lang, at hindi kumakatawan sa kabuuan, ng abuso ng monopolyo).

Iba pang taya

Sa pag-aaral ng IBON Foundation, mas mabilis na tumataas ang lokal na presyo ng diesel nang 20% hanggang 22% kumpara sa pagtaas ng presyo ng Dubai crude sa ilalim ng deregulasyon. Ipinapakita nito ang paniningil na ginagawa ng mga lokal na kumpanya ng langis nang lampas sa “dapat” na singil alinsunod sa galaw ng pandaigdigang presyo ng krudo. Hindi kasama rito ang epekto sa lokal na presyo ng mga ipinapataw na buwis. Hindi rin nito ipinapakita ang dambuhalang tubo ng pandaigdigang kartel sa langis mula sa pagbebenta ng krudo. Sakop ng pag-aaral ang buong panahon ng kasalukuyang Oil
Deregulation Law simula noong 1999.

Sa taya naman ng noo’y pinuno ng National Economic and Development Authority (Neda) at ngayo’y Senador na si Ralph Recto, umaabot sa lampas P8 kada litro ang overpricing sa mga produktong petrolyo noong 2009. Ginamit ni Recto ang “straight-line interpolation”. Sa ilalim nito, ikinukumpara ang dalawang panahon kunsaan magkahalintulad ang presyo sa piso ng Dubai crude. Pagkatapos, ikukumpara ang lokal na presyo sa mga nasabing panahon. Halimbawa, pinagkumpara ni Recto ang presyo sa piso ng Dubai crude noong Abril 2009 (P2,408 kada bariles) na kahalintulad ng presyo nito noong pagitan ng Pebrero (P2,176) at Marso (P2,495) 2005. Ang presyo ng premium plus gasoline noong Abril 2009 ay nasa P40.85 kada litro – mas malaki nang P8.69 kumpara sa presyo nito sa pagitan
ng Pebrero at Marso 2005 na P32.16 kada litro. Ini-adjust na ang presyo noong Pebrero-Marso 2005 upang isama ang 12% VAT upang maaaring ikumpara sa presyo noong 2009. Ang VAT sa langis ay sinimulang ipatupad noon lamang Nobyembre 2005. #

DOWNLOAD PDF FILE

Comments (0)

Dagdag ng tropang Kano sa PH

Posted on 04 February 2012 by admin

Powerpoint Presentation

Comments (0)

People Power & the transition council as alternative by Fr. Joe Dizon – Jul 2005

Posted on 27 May 2011 by admin

Download PDF FILE

Comments Off

A primer on the killings of activists

Posted on 24 May 2011 by admin

Download PDF FILE

Comments Off

5 reasons why we oppose Arroyo’s Charter change

Posted on 24 May 2011 by admin

English Version

Filipino Version

Comments Off

Legal opinion on the VFA – Public Interest Law Center

Posted on 24 May 2011 by admin

PDF FILE

Comments Off

A solution must first of all be socially just

Posted on 19 January 2011 by admin

By Dr. Carol Pagaduan-Araullo, BAYAN Chairperson

The whole problem with the debate on the fiscal crisis is not so much, as the UP economics students say in their rebuttal of the Bello-Nakpil-Nemenzo paper, the lack of “sound economic reasoning”. The problem is the lack of plain common sense in the analysis and remedies of the Arroyo government, the 11 UP economics professors, Bello-Nakpil-Nemenzo, and the UP economics students themselves.

First, common sense dictates that before you offer solutions, you must first diagnose the problem. The bigger and more chronic the problem is, as in a crisis situation, the deeper one must probe, study and identify the underlying causes and the more radical solutions that are likely required. “Band aid” remedies may cover up and alleviate the condition temporarily, but these will only perpetuate and aggravate the problem in the long run.

Second, all the analyses and “solutions” so far have not squarely addressed the social and political dimensions to the crisis. They conveniently overlook and are silent on the question of social justice, suggesting that the only way to tide over the crisis is by increasing the burden on those who have, over the decades, borne the brunt of hardship and sacrifice.

BAYAN stand

The Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) takes the position that the current fiscal crisis and the impending repeat of a deeper and more devastating financial crisis than the one that hit the country in 1997, is but part of the chronic crisis of the backward, agrarian, pre-industrial economy resulting in a continuing pattern of unequal colonial trade despite the so-called grant of independence in 1946. Further, BAYAN asserts that no fiscal or economic measure can solve the problem without first of all being socially just.

A fundamental feature of the Philippine economy is its inherent inability to earn enough from its exports in order to pay for its imports especially from the US, Japan and the rest of the developed capitalist world. We export raw materials and semi-processed/low value-added goods and import oil, machinery and a wide range of durable and nondurable manufactured goods such as cars, computers, electronic gadgets, food and clothes. This has resulted in chronic balance of trade and current account deficits since earnings from exports could never catch up with expenditures on imports.

Through the decades, exports earnings have begun to shrink faster relative to the increase in the cost of imports, especially with the continuing overproduction of raw materials and semi-processed goods in the world market since the 70s and the 80s. That is why, from the time of the Marcos dictatorship to the present, there has been growing dependence on the remittances of an estimated 8 million overseas Filipinos who plow their earnings back into the economy amounting to more than US$7 billion a year.

With the onset of “globalization’ and the neo-liberal policy prescriptions of trade and investment liberalization, deregulation and privatization, whatever local industries could survive in the stunted economy were further subjected to unfair competition, dumping, cut-price tactics, and government exactions and restrictions until many more folded up. Even the agriculture sector has been ravaged by the removal of protective tariffs and subsidies, with vastly cheaper agricultural imports flooding the market and driving tens of thousands of farmers to bankruptcy.

Since the domestic economy cannot earn enough foreign exchange with this institutionalized unequal trade, the government has resorted to foreign and domestic borrowing.

Attracting foreign investments have become the be-all and end-all especially when cheap foreign loans dried up in the 80s. The belief was, this would set up the factories, create the jobs and generate the social wealth and capital needed to move the entire country forward. But decades of reliance on foreign investments, loans and official development aid have only caused further de-industrialization such that the only “industries” existing today are those in the extractive industries such as mining and those engaged in semiprocessing to produce low value-added commodities, more than 90% of which is made up of imported raw materials.

On top of all this, instead of helping to develop the country, these foreign monopoly capitalists have siphoned off whatever domestic capital there is by sourcing their capital requirements locally instead of bringing in their much-touted investments and then repatriating billions of dollars of profit abroad. Removal of foreign exchange controls in accord with liberalization tenets of the IMF/World Bank and the WTO made the outflow of precious foreign exchange that much easier.

The logical outcome is a vast sea of poverty and misery encompassing the entire country and people. According to census data, 75% or 58 million people are forced to live on P82 a day while 90% eke out a living on P137 or lower per day. According to the recent Asian Development bank report, 12% of Filipinos are in “extreme poverty” and are forced to subsist on $1 (P57) or lower a day.

Fundamentally Unsound

What has been papered over by government, the UP economists, as well as Bello and company , is the fact that the country’s economic fundamentals are not sound. The proof is actually staring us in the face and revealed by a careful perusal of even the UP economics study.

The UP study draws attention to the economy’s heightened vulnerability to “any large external shock” such as a sudden increase in global interest rates, a sustained increase in world oil prices, a sharp decline in overseas workers’ remittances or anything that could cause the import bill to rise, including, ironically, attempts to revive an import-dependent, export-oriented economy.

It points to the fact that “the historical growth rate of the Philippine economy from the 90s to the present averages only slightly more than 4% even if only non-crisis years are included.”

Most damning of all is what the UP economists aptly described as the “deepening crisis” of the deficit and public debt that are merely the exposed portions of the huge and festering problems of the economy: its basic incapacity to produce adequately for the people’s needs because of the reality of feudal ownership of land and the absence of industrialization; its debt addiction and ensuing enslavement to international usury; and its lack of sovereign protection in the face of policy dictates of the IMF/World Bank and the importunings of monopoly capital as a whole.

To utilize a commonsensical analogy, how can the patient be fundamentally healthy if what is diagnosed by the experts as a simple case of colds turns out to be a deadly pneumonia.

Finally, where does social justice enter the picture in all the fine discourse about the current fiscal crisis and how to ride it out?

Even in “normal” non-crisis times, the poor are exploited and oppressed. They who produce society’s wealth have always been the last and the least to enjoy the fruits of their labor. While they have never ceased to ask for what rightfully belongs to them — a just share of society’s wealth — the rich and the powerful have always callously disregarded such a legitimate, not to mention, morally just demand.

Those who are in the lower income brackets of our society — the farmers, workers, rank-and-file employees, vendors, public utility drivers, etc — have long been groaning under the yoke of onerous taxes concealed in ever-rising prices of basic commodities. Like their ancestors under the Spanish and American colonialists, they have been bearing the brunt of sacrifice to buoy over society from one crisis to another. Each crisis leaves them in deeper misery and penury while the social elite not only survive but end up richer and more powerful.

Sadly, the various “solutions” being pushed by government, academics, clerics, civic leaders and whatnot, reflect this utter callousness and insensitivity to the people’s demand for social justice. The UP economics paper warns against solutions that not only have little chance of succeeding, but would likely stir social unrest. But it falls short of requiring that a “solution” must first of all be socially just.

Comments Off

Tutulan ang Batas Militar! – Dec 2009

Posted on 24 December 2009 by admin

Download PDF FILE

Comments Off

New Photos

11 10 09 08 07 06 05 04

For more photos click here

--------------------------------------

“Sandigan ang masa; paglingkuran ang sambayanan.” (Rely on the masses; serve the people.) These [...]
A gust of fresh air is sweeping through the centuries-old, grandiose but encrusted and musty environ [...]
One regret I have was not asking Fr. Joe Dizon to be our wedding priest. So when my wife gave birth [...]
Despite US President Barack Obama’s absence, State Secretary John Kerry’s visit still underlines [...]