Archive | Capt. Danilo Vizmanos

Pagpupugay para kay Ret. Navy Capt. Danilo “Ka Dan” Vizmanos

Posted on 22 March 2011 by admin

RETIRED NAVY CAPTAIN DANILO “KA DAN” VIZMANOS:
A MUCH BETTER HUMAN BEING THAN TODAY’S GENERALS
By Dr. Dante C. Simbulan, PMA Class 1952

(This is Retired Colonel Dante C. Simbulan’s eulogy during the Huling Parangal Para kay Ret. Navy Captain Danilo , Makati, 8PM, June 27, 2008. Dr. Simbulan served with the original units of the Philippine Scout Rangers organized by then Capt.Rafael Ileto during the anti‐Huk campaign. He served with the Corps of Professors and taught at the Philippine Military Academy in Baguio City till his retirement in 1967. He has a Doctorate in Political Science at the Australian National University, and is the author of the book, THE MODERN PRINCIPALIA, THE HISTORICAL EVOLUTION OF THE PHILIPPINE RULING OLIGARCHY published in 2005 by the U.P. Press)

During my last visit to Ka Dan three weeks ago, he was in intense pain, but I could see that he was very glad to see me. When I and my son, Roland bade goodbye, he handed me a CD of the “Parangal” recently held in Makati and a copy of his latest book, ” A Matter of Conviction”. On the first page he wrote: “To Ka Dante, my ‘classmate’ in Camp Crame (CSU‐Constabulary Security Unit), Fort Bonifacio and Bicutan.

Indeed, Ka Dan and I were both political prisoners, “classmates” in the prisons of the Marcos dictatorship. Like Ka Dan, I was arrested at about the same time and jailed for 2 1/2 years without charges.

I would have been honored to be his real classmate, to be his ‘mistah’ or my ‘cavalier’, but he went to Kings Point in New York (U.S. Merchant Marine Academy‐USMMA) and I went to PMA in Baguio, he graduating in 1950 (same year as Pres. Fidel V. Ramos graduated at West Point), and I, two years later in 1952 in Fort Del Pilar, Baguio.

Unlike many generals of the AFP and PNP today (who are mostly graduates of PMA), Ka Dan has observed the Code of Honor inculcated in us Peemayers for four years: that we must not cheat, lie , nor steal nor tolerate those who do among us. Though not a PMA graduate, he also lived the PMA ideals of “Courage, Integrity, and Loyalty”, the so‐called CIL embossed in our class rings. Indeed, he could have been one of the few among us who still believe AND PRACTICE these. He could have been, and I believe he will be, an excellent role model of both cadets and young officers of the AFP and PNP.

Many generals today have not only abandoned the honor system and the ideals of CIL, but have also flaunted their ill‐gotten wealth, living in mansions in Ayala‐Alabang, Corinthian Gardens, Valle Verde, Green Meadows and such high‐class and gated communities of the wealthy few, rubbing elbows with the high and mighty in our society. They have lied and cheated for their superiors – including their fake Commander‐in‐Chief ‐‐ in order to be promoted or to get coveted assignments. On the other hand, they have jailed and court‐martialed those PMA graduates who still follow the straight path, who still want to tell the truth no matter what is the consequence. In short, these generals today have become part of the problem ‐‐part and parcel of the corrupt ruling oligarchy!

In contast, Ka Dan Vizmanos refused to follow this pattern. He did not serve the dictator Marcos nor did he benefit from such service. Instead, he fought the dictatorship which trampled on the constitutional rights of citizens. He protested against the violation of human rights by the military and the police minions of Marcos.

But Ka Dan did not only protest but also showed enormous COURAGE in defying the dictator and his minions during Martial Law resulting in his incarceration; he demonstrated a strength of character, the HONESTY AND INTEGRITY to live within his means (even though, like the others, he had the opportunity to enrich himself while holding responsible positions in the AFP). Today, like Rep. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran, he lived and died in the same old house with just the bare necessities that his meager income could afford. Ka Dan, like Ka Bel died a poor man. What a contrast to the lifestyle of the generals of the present dispensation!

Most important of all, Ka Dan Vizmanos showed his LOYALTY, not to the ruling elites and the corrupt system they represent, but he gave it wholeheartedly to the Filipino people, especially to the suffering and oppressed masses of our unjust society.

He was against the mendicant and beggarly attitude of both our civilian and militlary leaders to our erstwhile colonial master, the United States. He criticized the long‐standing dependency of the government and the military on the Americans. He ridiculed the junk, the ‘surplus’ equipment that the U.S. is giving us, to ‘modernize’ our armed forces. He caricatured the expressions of gratitude of our so-called leaders to the ‘generosity’ of the Americans for giving us 40‐year old helicopters!

He wanted our country and our armed forces to be self‐reliant and not be a tail of the U.S. kite. He wanted to see the Philippines attain real independence and exercise our sovereign rights as a respected member of the world community of nations. Last but not least, Ka Dan’s vision is to see our empowered people participate in government and not just the few political dynasties who lord it over us all in determining our future and in shaping our destiny.

I salute you, Ka Dan, and am truly proud to have known you.

Kami’y iyong iniwan, ngunit ang iyong diwa, adhikain at paninindigan ay hindi namin kakalimutan at aming ipagpapatuloy ang ating layunin hanggang hindi makamtan ang paglaya ng ating bayang minamahal.

Paalam, kaibigan at kasama. Tinitiyak kong darami sa ating mga kasundaluhan at opisyal ng military ang makakakita sa iyong maningning na halimbawa at darating ang araw na ang AFP ay magbabagong anyo. When that time comes, it will no longer be the protector and defender of a corrupt ruling system, but will be transformed into a true armed forces of the people, the protector of our people’s interest, a defender of our national independence and sovereignty, and the reliable guardian of a true and authentic democracy.
—————————————————————————————————————————————————-

Before Trillanes was Vizmanos, the ‘original rebel soldier’
By DJ Yap, Philippine Daily Inquirer
—————————————————————————————————————————————————-

Taas‐kamaong pagpupugay kay Ka Dan Vizmanos
Ni Carol P. Araullo
Tagapangulo, Bagong ALyansang Makabayan
5 Mayo 2008, University of Makati

Sa ngalan ng lahat ng mga kaalyadong organisasyon ng Bagong Alyansang Makabayan sampu ng mga pang‐rehiyon/pamprobinsyang balangay nito at ng balangay sa Estados Unidos, sa ngalan ng lahat ng mga miyembro ng Pambansang Konseho at mga kagawad ng Pambansang Tanggapan, isang taaskamaong pagbati sa ating lubos na  pinagpipitagan at minamahal na Captain “Ka Dan” Vizmanos, dating tagapangulo ng Bayan, isang matatag na tagapagtanggol ng karapatang pantao at matalas na manunulat at tagapagsalita tungkol sa mga pundamental at mga nagbabagang isyung pambansa at pangmundo.

Nagpapasalamat kami kay Ka Dan at sa kaniyang pamilya sa mahigit na tatlong dekada ng mahusay, taus‐puso at walang patid na paglilingkod niya sa sambayanang Pilipino at sa kilusang pambansa demokratiko, sapul nang manindigan siya sa panig ng masang pinagsasamantalhan at inaapi at sumama sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Si Ka Dan ay ginawaran ng parangal ng Bayan kasama ng iba pang mga huwarang mga indibidwal na malaki ang naiambag sa progresibong kilusan, partikular sa Bayan bilang alyansa, noong nakaraang dalawang taon. Subalit, kasama ng Kodao at Selda, minabuti naming magtanghal ng isang payak ngunit makabuluhang pagpupugay para lamang sa kanya dahil nakita namin kung gaano kayaman sa mahahalagang karanasan at aral ang kanyang tinahak na landas mula Navy Captain sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas tungo sa pagiging makabayang manunulat at natatanging progresibong lider.

Umaasa kami na ang mga kabataan at iba pang mga kababayan natin, na ngayon lang siya makikilala, kasama na ang mga sundalo’t opisyal sa AFP at PNP na kasalukuyang disgustado o di mapakali sa nangyayaring lansakang katiwalian, paglabag sa karapatang pantao at pagiging sunod‐sunuran ng mga heneral sa mga iligal at kontra‐mamamayang mga utos ng ilehitimong gubyernong US‐Arroyo, ay makakapulot ng ilang ideya at aral sa ating pagpupugay. Hinihikayat namin ang lahat na bumili o
humiram at magbasa ng mga librong isinulat ni Ka Dan. Sinisiguro namin sa inyo na ang kanyang mga isinulat ay madaling maintindihan at magaan basahin bagamat hitik sa kaalaman, kasaysayan at malalim na pagsusuri.

Totoong kakaiba at kapuri‐puri na ang isang tulad niya na nanggaling sa tipikal na middle class family, may angking talino at nagkaroon ng pagkakataon na makapag‐aral sa labas ng bansa, maging opisyal ng AFP at patungo na sa higit na pag‐asenso hanggang sa umabot sa pamunuan nito, ay namulat – sa sarili niyang pagkukusang mag‐aral at sa kanyang pagiging matuwid na tao – sa totoong kalagayan ng lipunang Pilipino at kung ano ang ugat na mga problema nito.

Nang makita niya ang kontradiskyon sa pagitan ng mamamayan at ng AFP, at ng mga lokal na  reaksyonaryo hanggang sa mga dayuhang interes na kumakatawan sa imperyalismo, nanindigan siya sa panig ng sambayanan.

At mula nang pumanig na siya, naging matatag siya. Ito’y sa kabila ng matinding presyur mula sa mga nakatataas na opisyal ng AFP at maagang pagka‐unsyami ng kanyang military career, pagkatortyur at pagkakulong ng mahigit dalawang taon, patuloy na panggigipit sa panahon ng pasistang Diktadurang Marcos, mga kalituhan at malulubhang pagkakamali ng kilusan matapos mapabagsak ang diktadura at palitan ito ng mga rehimeng may posturang demokratiko at sa harap nang patuloy na mga hamon sa mahaba at mahirap na landas tungo sa ganap na pambansa at panlipunang pagpapalaya.

Tatag ng paninindigan at husay sa pagkilos. Kahit tumanda na, si Ka Dan ay di nagsabing magreretiro siya. Humingi lamang siya ng dispensa na bumaba na bilang miyembro ng Bayan National Council nang nagkasakit ang kanyang may‐bahay at kailangan niyang bigyan nang higit na oras at atensyon. Subalit nagpatuloy siya sa liderato ng SELDA at sa pagdalo sa mga pulong pag‐aaral at mga kilos protesta. Sa totoo, hanggang noong nakaraang taon, siya ay nagbigay ng napakahalagang testimonya tungkol sa Oplan Bantay Laya at buong programa mapanupil ng rehimeng US‐Arroyo para sa Permanent People’s
Tribunal, Second Session on the Philippines na ginanap sa The Hague, The Netherlands. Higit na panahon din ang ginugol niya sa pagsusulat at ang kanyang mga libro ay pamana na niya sa ating lahat, sa mga susunod na henerasyon ng mga makabayan at progresibong Pilipino.

Kaya samahan niyo po ako na magbigay ng standing ovation kay Ka Dan Vizmanos, dakilang lider ng Bayan at sambayanang Pilipino.

Mabuhay si Ka Dan Vizmanos!
——————————————————————————————————————————————————

PHOTOS
by: Bagong Alyangsang Makabayan

by: Aya Santos

Comments Off

New Photos

11 10 09 08 07 06 05 04

For more photos click here

--------------------------------------

“Sandigan ang masa; paglingkuran ang sambayanan.” (Rely on the masses; serve the people.) These [...]
A gust of fresh air is sweeping through the centuries-old, grandiose but encrusted and musty environ [...]
One regret I have was not asking Fr. Joe Dizon to be our wedding priest. So when my wife gave birth [...]
Despite US President Barack Obama’s absence, State Secretary John Kerry’s visit still underlines [...]